CAUAYAN CITY– Naghahanda na ang mga opisyal ng barangay kasama na rin ang mga kasapi ng San Mateo Police Station at Ramon Police Station kaugnay sa kanilang mahigpit na pagbabantay sa Ilog Magat sa kanilang nasasakupan kaugnay sa paggunita ng Semana Santa.
Batay sa pagpapahayag ng pulis hindi nila kayang bantayan ang lahat ng kanilang nasasakupan kung walang tulong dito ang mga opisyal ng mga barangay.
Ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ay mayroon na ring mga training-seminar na kanilang isasagawa.
May kasama rin sila na magtutungo at mag-iikot sa mga ilog upang mapangalagaan ang mga mamamayan na magtutungo sa mga ilog sa panahon ng Semana Santa.
Mayroon na ring mga abiso o maglalgay ng mga karatula sa mga delikadong mga pook na pinupuntahan ng mga mamamayan kapag Semana Santa.
Sa nakuhang Impormasyon ng Bombo Radyo San Mateo kay MDRRMO Officer Rey Salvador, napapanahon ang pagbibigay nila ng pagsasanay kung saan magsisimula ito bukas.




