CAUAYAN CITY– Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mag-live in partner na nasamsaman ng mga illegal na droga Sa barangay Baluarte, Santiago City
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Major Fedimer Quiteves, Acting Chief ng City Community Affairs and Development Unit ng Santiago City Police Office ang mga pinaghihinalaan ay sina Erick Olarte, 41 anyos at ang kanyang live-in partner na si Maria, 30 anyos, kapwa residente ng Purok Uno, Baluarte, Santiago City.
Nakatanggap ang pulisya nang impormasyon na ang mga suspek ay nagbebenta ng umanoy shabu sa Santiago City kaya nagsagawa sila ng anti-illegal drug buy-bust operation na ikinadakip ng mga pinaghihinalaan.
Nasamsam kay Olarte ang hinihinalang shabu na nakabalot sa papel na may timbang na 0.5 gram at ang buy bust money na ginamit ng nagsilbing poseur buyer.
Sa isinagawang paghalughog sa bahay ng mga suspek ay nakuha ang karagdagang 13 maliliit na sachet at apat na medium size plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na mayroong timbang na 31 grams na mayroong estimated amount na mahigit Php2,000.00 .
Nasamsam din ang isang large plastic sachet ng hinihinalang marijuana of suspected marijuana na may timbang na 0.8 grams at isang bundle of money na ma halagang halos Php20,000.00 .
Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang suspek at isasailalim sa masusing imbestigasyon.