--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki habang sugatan ang isang pa matapos mauwi sa enkuwetro ang habulan ng mga magnanakaw ng kambing at barangay tanod sa Brgy Divisoria, Aurora, Isabela.

Ang nasawi ay si Ceejay Vidal ng San Rafael, Roxas, Isabela habang ang sugatan ay si Anescon Alcon ng San Pedro, Roxas, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng Aurora Police Station na pinahinto ng mga barangay Tanod ang apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo dahil sa dala nilang dalawang kambing.

Sa halip na huminto ay pinatakbo ng mabilis ng apat na kalalakihan ang kanilang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga barangay tanod hanggang sa maabutan sa dulong bahagi ng Urbano Street.

--Ads--

Matapos nito ay bumunot ng baril ang suspek si Alcon at pinaputukan ang mga barangay tanod.

Walang natamaan sa mga barangay tanod kayat gumanti ng putok si Chief Tanod Estanislao Duque at tinamaan si Vidal at Alcon.

Dead on the spot si Vidal habang dinala sa ospital si Alcon dahil natamaan siya sa kaniyang kaliwang tuhod at kanang bahagi ng katawan.

Kusang sumuko sa PNP Aurora si Chief Tanod Duque habang patuloy pa ring pinaghahanap ang dalawa pang suspek na sina John Rich Dela Peña ng Muñoz, Roxas, Isabela at Edwin Asuncion ng San Rafael, Roxas, Isabela.

Bukod naman sa natagpuang ninakaw na dalawang kambing ay natagpuan din sa pinangyarihan ng krimen ang isang Cal. 38 na baril na mayroong tatlong bala at dalawa basyo, isang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang cellphone at isang granada.