--Ads--

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Java, Indonesia nitong gabi ng Martes, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Ang naturang lindol na may lalim na 13.9 kilometro ay naramdaman bandang alas-11:49 ng gabi (local time), kung saan naitala ang sentro nito sa layong 156 kilometro silangan ng Surabaya, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansa.

Naramdaman din ang pagyanig sa Sidoarjo, kung saan isang gusali ng Islamic school ang gumuho isang araw bago pa man ang pagyanig, na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong katao.

Patuloy ang rescue operations sa lugar upang mailigtas ang mga natabunan ng mga debris.

--Ads--

Wala namang banta ng tsunami kasunod ng tumamang lindol sa isla, ayon sa Indonesia Meteorology, Climatology, and Geophysical Agency

Sa ngayon, apat na aftershock na ang naitala kabilang ang isa na may lakas na magnitude 4.4.