Nagdulot ng matinding takot sa mga residente ang pagtama ng Magnitude 7 na lindol sa karagatan ng Northern California.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Angela Pedrigal na 11:40 ng umaga ay nakatanggap sila ng tsunami alert matapos yanigin ng magnitude 7 na lindol ang California.
Aniya, bagamat walang naganap na tsunami ay kailangan nilang maghanda dahil sa inaasahang after shocks.
Marami sa mga kakilala nila ang naramdaman ang matinding pagyanig kung saan maraming mga kagamitan nila ang naglaglagan sa shelf.
Naging maagap naman ang pagtugon ang California Government sa pamamagitan ng mabilis na pagpapadala ng babala.
Sa nagayon ay naghahanda sila para kung sakaling muling yumanig ay agad silang makakalikas.
Ang naganap na pagyanig ngayong araw ay ang pinakamalakas na lindol na tumama sa California sa nakalipas na mga taon kaya nagdulot ito ng matinding pangamba at takot sa maraming mga residente sa lugar.
Agad naman nilang kinamusta ang knailang mga kaanak maging ang filipino Community matapos ang pagyanig at hanggang ngayon ay wala namang napaulat na nasaktan sa lindol.