CAUAYAN CITY– Dinakip ang magpinsang menor de edad makaraang mambugbog ng kapwa menor de edad na isang delivery Boy sa Cauayan City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng mga pinaghihinalaan na itinago sa pangalang Andy, 13 anyos at Marvin, anyos na naingayan sila sa motorsiklo ng biktima.
Dahil lasing ang magpinsan ay ikinairita nila ang ingay ng motyorsiklo sanhi para bugbugin nila ang biktima sa mukha at tagiliran.
Agad inawat ng mga nakakita sa pangyayari ang pananakit ng dalawa sa delivery boy at isinugod sa pagamutan ang biktima habang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga magpinsan.
Inihayag ni Andy na bakasyon pa nila kaya nakatuwaan nilang magpinsan na mag-inuman.
Pinaalalahanan ang mga magulang na maging mahigpit sa mga anak na menor de edad at huwag payagang uminom ng nakalalasing na inumin.




