--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang magsasaka sa Caliguian, Burgos, Isabela dahil sa pag-iingat ng hindi lisensyadong baril at paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jonathan Ramos, hepe ng Burgos Police Station, sinabi niya na sa kanilang pagresponde sa natanggap nilang impormasyon kaugnay sa nagaganap na away ng maglive-in partner ay naabutan nilang nagpapalitan ng diskusyon ang mga ito.

Nang tangkain nilang pakalmahin ang dalawa ay napansin nila ang kahina-hinalang bagay na nakaumbok sa baywang ng suspek na isang 40-anyos.

Agad siyang kinompronta ng mga pulis at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang baril na Cal. 357 revolver, isang bala at isang empty shell.

--Ads--

Hindi aniya rehistrado ang baril dahilan upang siya ay arestuhin.

Dinala ang pinaghihinalaan sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children) at kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Tinig ni PMaj. Jonathan Ramos.