--Ads--

CAUAYAN CITY  Dinakip ng mga awtoridad ang isang magsasaka na sangkot sa pagbebenta ng iligal na droga sa Addalam, Jones, Isabela.

Ang pinaghihinalaan ay si Mark Jobey Ramos, 27-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar

Sa pangunguna ng Jones Police Station ay inilunsad  ang isang anti-illegal drug buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ni Ramos.

Nakipagtransaksyon ang pinaghihinalaan sa isang pulis na nagsilbing buyer bitbit ang isang pakete ng hinihinalang shabu katumbas ng P1,000.

--Ads--

Nakuha rin sa pag-iingat ni Ramos ang isa pang pakete ng hinihinalang droga, isang cellphone at isang motorsiklo.

Napag-alamang kabilang sa DI Watchlist ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na ngayon ay nasa pangangalaga na  ng Jones Police Station.