--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang magsasaka matapos isumbong na nagpaputok ng baril sa barangay Aurora, Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinilala ni P/Chief Inspector Jennifer Flores, hepe ng Quezon Police Station ang suspek na si Eric De Guzman,34 anyos, isang magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na mayroong nagpaputok ng baril at nang kanilang tinugunan ay nakita ang isang 12 gauge shotgun na may dalawang bala sa loob ng drawer ng durabox ng suspek

Walang maipakitang papeles ng baril kaya inaresto ang suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act)

--Ads--