--Ads--

CAUAYAN CITY– Arestado ang isang magsasaka na aktong nagbebenta ng illegal na droga sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy Aurora, Alicia.

Ang dinakip ay si Jerry Labia, 32 anyos at residente ng Bagnos, Alicia, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa nagsagawa ng buy bust operation ang Alicia Police Station matapos makatanggap ng impormasyon na pagbebenta ng marijuana sa lugar ng suspek.

Nakabili ng isang sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana ang nagpanggap na poseur/buyer.

--Ads--

Ang suspek ay nasa pangangalaga ng Alicia Police Station at sasampahan ng kasong sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).