--Ads--

CAUAYAN CITY –  Patuloy ang imbestigasyon ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station sa pamamaril kagabi sa isang magsasaka habang nasa harapan ng kanilang bahay sa Siffu, City of Ilagan.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa likod si Noel Galiza, 39 anyos, magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Nakatanggap tawag ang City of Ilagan Police Station mula sa barangay kapitan ng Siffu upang ipabatid ang nangyaring pamamaril sa kanilang lugar.

Lumabas sa imbestigayson ng mga pulis na naglalaro sa kanyang cellphone si Galiza sa harap ng kanilang bahay nang barilin ng hindi pa nakilalang suspek.

--Ads--

Dinala sa ospital si Galiza habang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril sa biktima.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt James Pattalitan, investigator ng City of Ilagan Police Station, sinabi niya na hirap sila sa pagtukoy sa suspek dahil walang nakakita sa pangyayari at wala umanong nakaalitan si Galiza.