--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa maayos nang kalagayan ang isang magsasaka na biktima ng pamamaril ng isang barangay kagawad sa Brgy. Pinoma, Cauayan City

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa pulisya, nakakausap at nagtamo lamang ng bahagyang tama ang biktimang si Joel Fabros, dalawampu’t pitung taong gulang

Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nagtamo ang biktima ng isang tama ng hindi pa mabatid na uri ng baril matapos barilin ng suspek na si Brgy. Kagawad Joseph Estrada na kapwa residente ng lugar.

Sa kabila ng pangyayari ay isasampa pa rin ng pulisya ang kasong frustrated homicide laban kay Barangay Kagawad Estrada

--Ads--

May pahiwatig na rin ang panig na barangay kagawad na sila ay makikipag-areglo subalit sinabi ng pulisya na sa piskalya na lamang nila ayusin ang kinasangkutang insidente.

Ang biktima ay binaril ng suspek matapos hindi maawat sa maingay nitong motorsiklo.