--Ads--

CAUAYAN CITY  – Inaalam na ng Tumauini Police Station kung saan nakuha ng isang magsasaka sa San Vicente, Tumauini, Isabela ang mga nasamsam sa kanyang pag-iingat mga baril, bala at pampasabog.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang Tumauini Police Station may kaugnayan sa pag-iingat ng hindi lisensiyadong baril ng suspek na si Ricardo Umacam, 42 anyos, magsasaka at residente ng nasabing barangay kaya sinilbihan nila ng search warrant.

Nagresulta ito ng pagkakakumpiska ng isang granada, isang caliber 45, apat na piraso ng bala ng nasabing baril, apat na bala ng 9mm pistol at bala ng isang 12-gauge shotgun.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rolando Gatan, hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na madalas umanong nagpapaputok ng baril ang suspek tuwing siya ay nasa impluwensiya ng alak.

--Ads--

Sa ngayon ay patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa suspek para alamin kung kanino niya nakuha o nabili ang mga nasamsam na baril, bala at pampasabog.

Sasampahan ng kasong labag sa batas na pag-iingat ng mga baril, bala at explosive.

Ang pahayag ni PMaj Rolando Gatan