CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang magsasaka sa nangyaring banggaan ng motorsiklo at pick-up sa kahabaan ng National Highway na nasasakupan ng Brgy. Bustamante, Luna, Isabela kaninang alas 6:20 ng umaga.
Ang biktima ay kinilalang si Dante Cabebe, 55-anyos, magsasaka, at residente ng Mambabanga Luna Isabela.
Habang ang pick-up naman ay minamaneho ni Ariel Almazan, 50-anyos, business man, at residente ng Cabatuan Isabela.
Ayon sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PMAJ ARE-J CARAGGAYAN, ang OIC ng Luna Police Station, batay aniya sa pagsisiyasat ng kapulisan, lumalabas sa imbestigasyon na binabaybay ng dalawang sasakyan ang magkasalungat na daan, ang single na motorsiklo ay papuntang Cauayan City habang ang pick-up naman ay papuntang Cabatuan Isabela nang mangyari ang insidente.
Inamin din aniya ng tsuper ng pick-up na siya ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin at hinihinalang naka idlip sa pagmamaneho kaya aksidente nitong nabangga ang motorsiklong kasalubong nito.
Sa lakas ng pagkakabangga ay nagresulta umano sa pagkakahulog ng pick-up sa gilit ng kalsada bilang resulta, nagtamo ng injuries sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tsuper ng motor na agad namang nirespondehan ng mga rumespondeng kasapi ng Rescue Luna at agad itong dinala sa pribadong pagamutan.
Upang makatiyak naman na ligtas ang tsuper ng pick-up qy dinala rin ito sa pagamutan.