--Ads--

CAUAYAN CITY- Dumulog sa Bombo Radyo Cauayan ang isang magsasaka na matagal ng nag bibiyahe ng gulay sa Bayan ng San Mariano, Isabela matapos siyang mahuli at pagmultahin ng Land Transportation Office o LTO ng 5,000 pesos bilang penalty ng modification dahil sa pagkakaroon ng topload sa bahagi ng San Isidro, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa driver ng van sinabi niya na rehistrado ang kanilang sasakyan mula pa noong 2018 at ang pagkakaalam niya ay rehistrado ito maging ang kanilang topload dahil sa matagal na siyang namimili ng gulay sa Nueva Vizcaya na kaniyang ibinebenta sa San Mariano, Isabela.

Depensa ng driver naharang siya at sinita dahil sa umano’y violation dahil sa hindi kasali sa kaniyang rehistro ang top load o carrier ng kaniyang van, nang magtungo sa LTO Cauayan para beripikahin ang rehistro ng sasakyan ay dito niya na kita na hindi updated ang records ng LTO Cauayan.

Ayon sa tsuper may hawak silang resibo mula 2021 at doon naka lagay na rehistrado ang topload subalit taong 2022,2023,2024 ay wala na ito sa resibo.

--Ads--

Aniya pinagbigyan naman sila na makausap si LTO Chief Deo Salud para ipaliwanag ang naging problema sa kanilang OR/CR subalit hindi naman nasolusyonan ang kanilang problema.

Aminado naman sila na hindi nila napansin sa rehitro ng kanilang sasakyan na wala na ang topload sa OC/CR na kanilang binabayaran ng 100 pesos taon taon.

kaugnay nito , nananawagan ang Land Transportation Office (LTO) Cauayan sa lahat ng mga nagmamay-ari ng sasakyan na maging responsable sila sa pagpaparehistro.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Deo Salud, Chief ng LTO Cauayan, sinabi niya na may mga reklamo silang natatanggap tungkol sa registration.

Nito lamang buwan ng Pebrero aniya ay isang sasakyan ang nahuli at nasita dahil napag-alaman na hindi rehistrado ang kanyang top carrier o top load

Taong 2018 pa aniya ito huling naiparehistro kaya laking gulat ng ahensya na umabot na ito ng 2025 ngunit hindi pa rin rehistrado.

Mayroon naman aniya itong 5,000 pesos na kaukulang penalty batay sa sinusunod na unauthorized modification penalty ng LTO

Ayon pa kay LTO Chief, ang pagmamaneho ng sasakyan ay isang responsibilidad kaya nararapat lamang na tiyaking lahat ng pwedeng iparehistro sa sasakyan ay maipaparehistro na.

Dapat aniya kusa ng sabihin ng mga nagpaparehistro na ang kanilang sasakyan ay mayroong top carrier at hindi aniya dapat inaaasa lamang sa LTO cauayan ang lahat ng trabaho.

Wala naman kasi aniyang nabibiling sasakyan na dati nang mayroong top carrier kaya dapat inaabisuhan ang LTO kung mayroon silang babaguhin sa sasakyan tuwing sila ay magpaparehistro.

Hindi rin umano sinadya ng LTO na hindi ma rehistro ang toploader o top carrier para may pagkakitaan sila pag nahuli na ang mga ito.