--Ads--

CAUAYAN CITY– Naaresto ng mga kasapi ng Bagabag police station ang isang magsasaka sa Brgy Tuao North, na may nakabinbin sa hukuman na kasong pangagahasa.

Ang nadakip ay si Arnold Bayatan, 44 anyos, magsasaka residente ng Brgy Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Si Bayatan ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Rosales ng RTC Branch 27 Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang akusado ay dinala sa Bagabag Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

--Ads--

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Bayatan.