--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng San Mariano Police Station ang isang magsasaka na number 1 most wanted person municipal level sa Disulap, San Mariano, Isabela.
Ang akusado ay si Marlon Acob, 34-anyos at residente ng nasabing lugar.
Sa pinagsanib na pwersa ng San Mariano Police Station sa pangunguna ni Acting Chief of Police Pcapt. Ericson Aniag ay matagumpay na nadakip ang pinaghihinalaan sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Isaac De Alban ng RTC Branch 16 City of Ilagan, Isabela para sa kasong panggagahasa.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng San Mariano Police station para sa kaukulang dokumentasiyon bago ipasakamay sa court of Origin.
--Ads--











