--Ads--


Nasawi ang isang magsasaka matapos magpatiwakal sa Barangay Disimuray, Cauayan City, Isabela nitong umaga ng Nobyembre 20, 2025.

Kinilala ang biktima bilang isang 35-anyos na lalaki na residente ng naturang barangay.

Una rito nakatanggap ng tawag ang Tactical Operation ng PNP Cauayan City mula sa isang concerned citizen hinggil sa umano’y insidente ng pagpapatiwakal. Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at natagpuan ang katawan ng biktima na nakabitin sa kahoy na trusses ng kanyang bahay gamit ang dilaw na nylon rope.

Ayon sa isang babaeng saksi nakita niya ang biktima bandang alas-7:00 ng umaga. Samantala, sinabi ng kaanak ng biktima na nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang magsasaka at ang kanyang live-in partner, at matagal na rin itong nakararanas ng depresyon.

--Ads--

Kumpirmado ng pamilya na ang biktima ay kusang nagpatiwakal. Dinala na ang kanyang bangkay sa Cauayan District Hospital para sa kaukulang pagsusuri.