Arestado ang isang magsasaka dahil sa pagbabanta at direct assault sa agent of person in authority sa lungsod ng Cauayan.
Kinilala ang suspek na sil alyas “ Bay” 38 anyos at residente ng Brgy. Nungnungan 1, Cauayan City Isabela habang ang biktima naman ay si alyas “Rod” 59-anyos, isang barangay tanod at residente sa kaparehong barangay.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nangyare ang insidente sa harapan mismo ng barangay hall kung saan nakita ng suspek ang kapatid ng biktima na si alyas “ Ador” at nagkaroon sila ng pag-uusap.
Dito na rin nagsimula ang kanilang naging pagtatalo, dahil dito ay lumapit ang mga biktima upang pakalmahin ang sitwasyon at dito na nagbanta ang suspek na sasaksakin ang dalawa habang hawak ang kutsilyo na nasa kanyang bewang.
Dahil dito, agad na tinawag ng biktima ang mga kasamahan nitong tanod at kumuha na rin ng steel pipe para sa kanyang protection. Nang mabigyan naman ng pagkakataon ay agad na inagaw ni alyas ador ang kutsilyo at dito na rin nasakote ng mga tanod ang suspek.
Agad itong inireport sa mga awtoridad na siya namang rumesponde at nagdala sa suspek sa himpilan.
Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na dati ng may alitan ang pamilya ng suspek at ng biktima bago pa mangyare ang insidente.
Sa tala ng mga pulisya, wala namang naitalang nasaktan dahil sa nangyari. Hanggang sa ngayon ay hinihintay pa ang desisyon ng panig ng biktima kung itutuloy nila ang pagsasampa ng nasabing kaso.











