--Ads--
CAUAYAN CITY- Patay na nang matagpuan sa kanyang silid ang isang magsasaka sa Barangay San Miguel, Burgos, Isabela.
Ang natagpuang patay na ay si Mario Heron,tatlompu’t siyam na taong gulang, may asawa, magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatanggap ng ulat ang Burgos police station kaugnay sa nasabing insidente.
Lumalabas sa pagsisisyasat ng pulisya na nakita ng isang Gilbert Gaceta ang magsasaka na nakatali sa lubid ang leeg at nakabitin sa kanyang silid.
--Ads--
Ang naturang insidente ay agad na ipinagbigay alam sa Scene Of the Crime Operatives para sa kaukulang pagsisiyasat at pagproseso sa pagsisiyasat sa crime scene.










