--Ads--

CAUAYAN CITY – Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang magsasaka sa San Antonio, Alicia, Isabela na nakumpiskahan ng illegal na droga at baril.

Ang suspek ay si Rolando Abuan, 47 anyos at residente ng nasabing barangay.

Naaresto ang suspek matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) katuwang ang Alicia Police Station.

Nakuha mula sa pag-iingat ni Abuan ang tatlong sachet ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana, 500 buy-bust money at isang Calibre 22 Magnum revolver na may 5 bala.

--Ads--

Ang suspek at mga nakumpiska sa kanya ay dinala sa Alicia police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.