--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong 3 counts of statutory rape ng Dupax Del Sur Police Station ang isang binatang nanggahasa sa 12 anyos na biktima sa Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay si Marlo Ignacio,30 anyos, binata at residente ng Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Rubelita Aglipay, hepe ng Dupax Del Sur Police Station na dinakip si Ignacio sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 30 noong April 17, 2018.

Naganap ang panghahalay sa biktima noong nakaraan taon sa tuwing umuuwi sa kanilang bahay galing sa paaralan.

--Ads--

Nadadaanan anya ng biktima ang bahay ng suspek na malapit sa sementeryo kung saan basta na lamang hinihila ang bata saka hinahalay .

Sinabi pa ng hepe ng pulisya na tinatakot ng suspek ang biktima kung kayat hindi makapagsumbong.

Napansin anya ng mga magulang na miiwas ang kanilang anak sa tuwing nakikita niya ang suspek sanhi para magtapat ang bata.

Wala inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ni Ignacio.