--Ads--

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang isang magsasaka matapos na pagtatagain ng kapwa niya magsasaka sa Brgy. Sinamar Norte, San Mateo Isabela.

Ang biktima ay si Placido Ricafort, pitumpong taong gulang, magsasaka, may asawa at residente ng Namillangan, Alfonso Lista, Ifugao habang ang pinaghihinalaan ay si Daniel Lucas, animnapu’t tatlong taong gulang, magsasaka, may asawa at residente ng Sinamar Norte, San Mateo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagpapahinga ang biktima nang biglang dumating ang pinaghihinalaan at basta na lamang siyang pinagtataga.

Sinubukan namang awatin ang pinaghihinalaan na agad tumakas matapos ang pananaga sa biktima.

--Ads--

Nagtamo ng taga sa dalawang kamay ang biktima gayundin sa kanyang likod na dinala sa pagamutan ng kanyang mga kamag-anak.

Sa pagsasagawa ng hot pursuit operation ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ay nadakip ang suspek at mahaharap sa kasong frustrated murder.