--Ads--
CAUAYAN CITY – Isang magsasaka ang natagpuang patay sa bukid sa barangay Oscariz,Ramon, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa mga kamag-anak pinaghahanap pa nila noong linggo si Jeremy Santos, 25 anyos na residente ng nabanggit na lugar.
Huling nakita si Santos na nagtungo sa kanyang bukid na may hawak na panabas ngunit hindi na umuwi.
Nakita na lamang ang biktima na wala nang buhay.
--Ads--
Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang foul play sa pagkamatay ni Santos na ngayon ay dinala na sa punerarya.




