--Ads--
CAUAYAN CITY, – Walang nakikitang foul play ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station sa isang magsasakang natagpuang wala nang buhay malapit sa kanyang kubo sa San Isidro,Ilagan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Supt. Ariel Quilang, hepe ng Ilagan City Police Station, ang biktima ay si Samuiel Ochoa, 61 anyos,may-asawa at residente ng Tangcul, Ilagan City.
Nagpaalam sa kanyang pamilya na magtutungo sa kanilang bukirin sa barangay San Isdiro at matutulog sa kanilang kubo sa bukid.
Ngunit nakita ng isang Reynaldo Garcia ang biktima na wala nang buhay.
Nakahimlay na sa kanilang tahanan ang biktima at maaaring isailalim pa rin sa autopsy ang bangkay bagamat sinasabing namatay dahil sa cardiac arrest.
--Ads--




