--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagkamatay ng isang magsasaka sa Purok 6, Barangay Patul, Santiago City.

Ang namatay ay si Dominador Bacayan, 60 anyos at residente ng nasabing barangay.

Lumabas sa pagsisiyasat ng mga kasapi ng Santiago City Police Office na nakita si Bacayan na nag-aayos ng kanyang patubig sa sakahan.

Nagtaka ang mga kaanak dahil hindi pa umuuwi sa kanilang tahanan si Bacayan upang mananghalian kaya naman nagtungo na ang anak nito na si Julius Bacayan para sunduin ang kanyang ama.

--Ads--

Laking gulat na lamang nito nang makita ang kanyang ama na nakahandusay sa kanilang sakahan at wala ng buhay.

Agad namang rumesponde insidente ang Scene of the Crime Operatives Santiago City.

Lumabas din sa pagsisiyasat na pa ang pangyayari ay may iniinda nang sakit ang biktima sanhi para mahirapang huminga at nagpapagamot dahil sa kanyang hypertension.