--Ads--
Gumamit ng improvised na kahoy na kalaykay ang isang magsasakang nagtatanim ng mais sa bayan ng Quezon, Isabela upang mapadali ang pagpapatuyo ng kanyang ani na inilalatag sa kahabaan ng national highway.
Ang nasabing kagamitan ay hinihila ng motorsiklo o tricycle upang maikalat at maayos ang pagkakapwesto ng mga butil ng mais habang pinatutuyo sa ilalim ng araw.
Ayon sa magsasaka, mas nakakatipid ang paggamit ng naturang paraan kumpara sa tradisyunal na mano-manong paggawa, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa pamamagitan ng improvised na kagamitan, mas napapabilis ang proseso ng pagpapatuyo ng mais at nababawasan ang pagod sa trabaho kumpara sa karaniwang paggamit ng kamay o simpleng kalaykay.
--Ads--









