--Ads--
CAUAYAN CITY- Patay ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng di pa nakikilang suspek sa barangay Dangan, Reina Mercedes, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo kay P/Sr. Insp. Bruno Palattao, hepe ng Reina Mercedes, Isabela ang biktima ay si Alex Langcay, 46 anyos, may-asawa at residente ng nasabing barangay.
Ang biktima kasama ang kanyang maybahay ay lulan ng tricycle nang pagbabarilin ng dalawang suspek na lulan ng isang motorsiklo.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang biktima na agad isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang deade on arrival ng kanyang attending physician.
--Ads--
Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing pamamaril patay sa isang magsasaka.




