--Ads--

CAUAYAN CITY– Patay ang isang magsasaka matapos mabangga ng isang armored van sa barangay San Pedro, Roxas, Isabela.

Ang namatay ay si Roberto Robon Gonzalez, 22 anyos at residente ng barangay Munioz West habang ang tsuper ng armored van ay si Alexander Butac, 40 anyos at residente ng Patul, Santiago City.

Sa nakuhang imporamasyon ng Bombo Radyo Cauayan, hindi napansin ng armored van ang biktimang sakay ng bisikleta sa national highway na bahagi ng barangay San Pedro.

Tumilapon ang biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga na nagresulta ng kanyang kamatayan dahil sa malalang sugat sa kanyang ulo.

--Ads--

Sasampahan si Butac ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.