--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang magsasaka matapos mabangga ng isang motorsiklo sa barangay San Pablo,Cauayan City.

Ang nasawi ay si Florendo Magaway, 52 anyos, isang magsasaka, walang asawa at residente ng San Pablo, Cauayan City.

Sa nakuhang imporsyon ng Bombo Radyo Cauayan tatawid sana ang biktima ngunit hindi niya napansin ang paparating na motorsiklo na minamaneho ni Jerry dela Cruz,48 anyos, may-asawa, isang stuper at residente ng barangay Manauag,Cauayan City na sanhi para siya ay mabangga.

Ang biktima ay nagtamo ng sugat sa katawan pangunahin na sa kanyang ulo habang nagtamo rin ng sugat sa katawan ang tsuper ng motorsiklo dahil sa pag-semplang sa kaniyang motorsiklo.

--Ads--

Isinugod sa pagamutan si Magaway ngunit dahil sa malalang sugat sa kaniyang ulo ay binawian ng buhay habang ginagamot.

Ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in Homicide.