--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang magsasaka na hinihinalang kinagat ng makamandag na ahas sa Barangay Santa Monica, Echague, Isabela.

Si Martin Gante, 55 anyos, biyudo ay natagpuang wala nang buhay sa gitna ng kanyang bukid .

Nakitaan ng dalawang kagat umano ng ahas sa kanyang bukong-bukong ang biktima.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Cris Ganti, pamangkin ng biktima na wala namang iniindang sakit ang kanyang ang tiyuhin kayat naniniwala silang nakagat ng ahas.

--Ads--

Hindi na rin nadala sa pagamutan ang tiyuhin dahil wala silang magamit na sasakyan.