--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa pag-iingat na ng mga kasapi ng San Mateo Police Station ang lalaking nambugbog at pumatay sa isang lalaking residente ng Tandul, Cabatuan, Isabela.

Ang biktima ay si Marcos Sabban, magsasaka, nasa tamang edad at residente ng San Mateo, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng suspek na si Bobot Bosse nag-inuman sila ng tatlong mga kasamahan ng dumating ang biktima na may dalang patalim at tinangka siyang saksakin.

Dinis-aramahan anya nila ang biktima at binugbog at pinagpapalo pa ng kahoy sa ulo.

--Ads--

Dinala sa pagamutan si Sabban ngunit namatay habang ginagamot sa ospital.

Inamin ng suspek na pinagpapalo niya ng kahoy ang ulo ng biktima.

Samantala, batay sa kuwento ng mga nakakita apat katao ang bumugbog at nanakit sa biktima.