--Ads--

CAUAYAN CITY- Patuloy ang pagsisiyasat ng Echague Police Station at Scene of the Crime Operatives kaugnay sa pagkamatay ng isang magsasakang natagpuang nakahandusay sa palayan sa Sta. Maria, Isabela.

Ang biktima ay si Benjamin Macaranyag ,55 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng San Manuel, Echague, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Major Andy Orillia, hepe ng Echague Police Station na nirespondehan nila agad ang naturang krimen matapos makatanggap ng impormasyon at nakita ang nakahandusay na wala nang buhay na biktima.

Nauna nang inihayag ng mga nakasaksi na namatay ang ang biktima matapos umanong barilin ng dalawang lalaking sakay ng pulang motorsiklo.

--Ads--