--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng mga kasapi ng Sta. Maria Police Station para malaman ang motibo at matukoy ang mga suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa   Sitio Balagan, Naganacan, Sta. Maria, Isabela.

Ang biktima ay si  Rody Sumauan, 45 anyos, magsasaka,may-asawa at  residente ng nasabing barangay.

Hindi pa nakilala ang riding-in-tandem suspek na bumaril at pumatay sa kanya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, tumawag si Barangay Kapitan  Joey  Corpuz sa Sta. Maria Police Station para ipabatid ang pamamaril na naganap sa kanilang barangay.

--Ads--

Lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na ang biktima ay sakay ng motorsiklo at pauwi kahapon sa kanilang bahay mula sa sitio Casimuan, Brgy. Tallag, Cabagan, Isabela.

Gayunman, nang makarating siya sa sapa ng  Paculagu ay pinagbabaril siya ng  mga salarin na naging sanhi ng agad niyang kamatayan.