
CAUAYAN CITY – Naaresto ang isang magsasaka sa isinagawang Drug Buybust operation ng mga otoridad sa isang Hotel sa Brgy. Sili, Aurora Isabela.
Ang pinaghihinalaan ay si Ronald Santos, tatlumpu’t limang taong gulang, may asawa, magsasaka, at residente ng Sto. Niño, Aurora, Isabela.
Nabili ng pulis na nagpanggap na buyer sa suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa halagang 2,500 pesos.
Nakuha pa sa kanyang pag-iingat ang isang Cellphone, susi ng motorsiklo, isa pang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman din ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 680 pesos at 400 pesos na cash at isang bala ng Shotgun.
Dinala ang pinaghihinalaan sa Aurora Police Station para sa kaukulang disposisyon.
Ayon sa Aurora Police Station, matagal na minanmanan ang pinaghihinalaan bago isinagawa ang operasyon.
Samantala, sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, nagpaalala si Police Staff Sgt. Erickson Pineda ng Aurora Police Station sa lahat ng residente na makipagtulungan sa mga otoridad para masugpo ang ipinagbabawal na gamot at iwasan na rin ito para sa ikabubuti ng bawat isa.




