--Ads--

CAUAYAN CITY – Natagpuang patay kaninang umaga ang isang magsasaka na nagtungo kagabi sa isang sapa sa Maui, Delfin Albano, Isabela para kumuha ng mga eel o kiwit.
Ang biktima ay si Enerson Doddo, 35 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng naturang barangay.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Delfin Albano Police Station, lumabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nagtungo sa sapa si Doddo para kumuha ng mga kiwit ngunit natagpuan ang kanyang bangkay kaninang umaga.
Pinaniniwalaan na aksidenteng nahawakan ni Doddo ang livewire ng isang water pump na dahilan ng kanyang pagkakuryente at pagkamatay.
--Ads--
May hinala ang pulisya na posibleng nabalatan ang ilang parte ng wire kaya nakuryente ang magsasaka.










