CAUAYAN CITY – Agad na sinampahan ng kasong homicide ng San Mateo Police Station ang isang magsasaka sa San Roque na nakapatay kagabi sa kanyang bayaw sa pamamagitan ng pagsaksak gamit ang kitchen knife.
Sinaksak ni Reynald Dayao ang kanyang bayaw na si Edison Blanza, kapwa magsasaka at residente ng Barangay San Roque, San Mateo, Isabela matapos silang magtalo sa daan sa kanilang barangay.
Nasa impluwensiya umano ng alak si Dayao nang mag-away sila ng kanyang asawa at umawat si Blanza.
Pinalo umano ni Blanza si Dayao na gumanti sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanya.
Nagtamo si Blanza ng mga saksak sa kanyang kili-kili, likod at braso.
Naisugod pa sa San Mateo Integrated Hospital ang biktima ngunit binawian ng buhay.
Ayon naman kay Reynald Dayao, ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili dahil una siyang pinalo ng kanyang bayaw kaya niya nasaksak niya ito.




