--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang magsasaka ang sinakal at sinaksak ng kanyang dalawang kapatid sa ina sa Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Dino Dulao, 36 anyos, may-asawa, magsasaka habang ang mga suspek ay sina Michael Bogge, 26 anyos at Richmond Bogge, 22 anyos pawang residente ng Bua, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Lumabas sa pagsisiyasat ng Kasibu Police Station na ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo at papauwi na nang harangin ng dalawang kapatid ngunit hindi na nito pinansin at umuwi na lamang sa kanilang tahanan.

Subalit sinundan ng dalawang kapatid sa bahay ang biktima at nagsisigaw sa labas kayat inawat niya ang mga kapatid.

--Ads--

Sa halip na tumigil ang mga suspek ay sinakal ni Richmond at sinaksak naman ni Michael ang kanilang kuya.

Agad dinala sa pagamutan ang biktima habang dinakip si Michael Bogge ng mga pulis at si Richmond ay kusang sumuko sa himpilan ng pulisya.

Inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa magkapatid na suspek.