Magsasaka, sinaksak ng kainuman, patay
CAUAYAN CITY- Patay ang isang magsasaka matapos saksakin ng kanyang kainuman sa Nappacu Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.
Ang biktima ay si Bernard Lastimosa, 24 anyos at residente ng nasabing lugar habang ang suspek ay si Michael Luyon, residente rin nang nasabing barangay.
Sinabi ni P/Sr.Inps.Michael Esteban,hepe ng PNP Reina Mercedes,Isabela sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Cauayan na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang residente ng Brgy.Napaccu Pequenio hinggil sa nangyaring pananaksak sa kanilang lugar.
Sa kanilang pagtugon kasama ang Rescue 922 nakita nila si Lastimosa na nakahunsay sa isang bukirin sa nasabing barangay.
Nagtamo ng malalim ng sugat sa kanyang katawan ang biktima dulot ng kanyang kamatayan.
Ayon pa kay P/Sr.Insp.Esteban, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Lastimosa at Luyon habang nag-iinuman sa bukid na pag-aari ng biktima dahil naungkat ang kanilang dating alitan hanggang masaksak ng suspek ang biktima.
Nasa pangangalaga na ng PNP Reina Mercedes ang suspek at inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya.




