--Ads--

CAUAYAN CITY- Nasa mabuti nang kalagayan ang isang magsasaka na ginagamot sa ospital matapos matuklaw ng ahas kaninang madaling araw.

Ang biktima ay si Henry Diego, 41 anyos na residente ng San Mateo, Isabela.

Sinabi ni Diego sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan na kaninang madaling araw nang pumunta siya sa kanyang bukid sa Old Centro Uno, San Mateo ay hindi napansin ang ahas sa kanyang daraanan.

Natuklaw ng ahas ang paa ng biktima. Dinala sa San Mateo Integrated Hospital at agad na naturukan ng anti-venom vaccine.

--Ads--

Pinag-iingat ang mga magsasaka sa kanilang pagtungo sa bukid dahil marami nang natuklaw ng ahas.