--Ads--

CAUAYAN CITY- Itinampok sa Fathers Day Special ng Bombo Radyo Cauayan ang buhay ni G. Mardonio Dela Cruz ng Tandul, Cabatuan, Isabela.

Si Tatay Mardonio at Nanay Milagros Dela Cruz ay pinagkalooban ng 9 na anak na ngayon ay may maayos nang mga buhay.

Sa pagbabalik tanaw sa buhay ni tatay Mardonio, kanyang sinabi na nagpapasalamat siya sa panginoon at naitanim sa isip ng kanyang mga anak ang kahalagahan ng edukasyon na siyang tanging maipapamana niya sa mga ito.

Hindi madali para kay G. Dela Cruz na itaguyod ng sabay sabay ang mga anak ngunit ipinakita niya na kaya niya upang hindi maapektuhan ang pag aaral ng mga anak, naging magsasaka siya sa araw habang mangingisda naman sa gabi.

--Ads--

Naging mabunga naman ang paghihirap at pagtitiis ni Tatay Mardonio makaraang makapagtapos ang kanyang mga anak.

Ang Panganay ay isang Deodetic Eng’r, ang pangalawa ay bakery supervisor sa Qatar, sunod ay isang graphic artist, supervisor ng isang sikat na foodchain, head ng security agency, ang pang anim ang hindi nakapagtapos ngunit may stable na trabaho, ang pampito ay isang architect, design and engineering consultant, ang pangwalo ay nasa stock exchange sa Sweden at ang bunso ay isang civil Eng’r.

Bagaman hindi perpekto ang kanilang pagsasama, walang bumitaw sa kanilang mag-asawa at walang inisip kundi ang kapakanan ng kanilang mga anak.