--Ads--

CAUAYAN CITY – wala pa ring gabay ang Ilagan City Police Station kaugnay sa pagbaril patay sa isang magsasaka sa barangay Batong-Labang, Ilagan City.

Ang biktima ay nakilalang si Rommel De Guzman, 37 anyos, may- asawa at residente ng nasabing barangay.

Patuloy sa pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station sa pangunguna ni PO2 James Patalittan.

Anya wala umanong nakikitang dahilan ang pamilya ng biktima upang paslangin si Rommel dahil wala naman silang alam na nakaaway.

--Ads--

Wala rin umanong nakikitang palatandaan ng kanyang ina na may kinakaharap na problema ang kanyang anak bago siya patayin.

Ayon pa kay PO2 Patalittan batay sa kanyang pagtatanong sa ilang kapitbahay ni De Guzman, marami umanong natutulungan ang biktima noong OFW pa siya.

Bagamat nagbabalak umanong kumandidato bilang barangay kagawad sa kanilang barangay, hindi pa naman ito ang pinal na kapasyahan.

Inihayag din ng Ilagan City Police Station na isang putok lamang baril ang tumama sa biktima at maaaring shotgun ang ginamit na baril kung kayat nakakita ang pulisya ng siyam na tama ng baril sa kanyang katawan.

Magugunitang patay sa pamamaril si De Guzman habang nagpapakain ng kanyang alagang aso at hinihinalang sa labas lamang ng kanilang bakod isinagawa ng pinaghihinalaan ang pamamaril sa kanya.