--Ads--

CAUAYAN CITY- – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( illegal possession of firearms and ammunition) ang isang magsasaka na nagba-buy and sell umano ng mga baril at bala sa Biga Occidental, Santo Tomas, Isabela.

Ang nahaharap sa kaso ay si Roldan Zipagan, 51 anyos, may-asawa magsasaka at residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Inspector Mariano Manalo, hepe ng Santo Tomas Police Station na mayroong umanong confidential informant ang nagbigay ng impormasyon sa Crimnal Investigation and Detection Grouo (CIDG) 2 na ang suspek ay nagbebenta ng mga baril at bala na walang kaukulang dokumento

Isinilbi ng mga kasapi ng CIDG Isabela, Santo Tomas Police Station, Provincial Intelligence ng IPPO ang serach warrant na inilabas ni Hukom Raul Babaran ng RTC second Judicial region Cauayan City sa tahanan ng suspek.

--Ads--

Nasamam nila ang isang Cal. 45 baril na may 6 na bala, isang magazine at isang 12-gauge shotgun na borado ang serial number.

Dinala na ang suspek sa CIDG Isabela maging ang mga nasamsam na baril at bala.