--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station ang isang lalaking wanted sa dalawang kasong homicide.

Ang dinakip ay si Mario Legaspi, 43 anyos, may asawa, isang magsasaka, residente ng barangay Faustino, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Cauayan City Police Station si Legazpi ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ariel Palse ng RTC Branch 40 Cauayan City.

Kinakailangang maglagak ng piyansang Php120,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ang suspek.

--Ads--