--Ads--

CAUAYAN CITY – Isang magsasaka na may kasong robbery ang dinakip ng mga kasapi ng Alicia Police Station sa Brgy. Bonifacio.

Sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Judge Bonifacio Ong ng RTC branch 24 Echague, Isabela ay nadakip si Amir Baquirin , 28 anyos, may-asawa, magsasaka t residente ng Brgy. Bonifacio, Alicia, Isabela.

Isinilbi ng mga pulis sa pangunguna ni SPO1 Junie Espanto ang warrant of arrest ni Baquirin.

Umaabot naman sa Php120,000.00 ang iminungkahing piyansa ni Amir Baquirin para sa kanyang pansamantalang paglaya.

--Ads--