--Ads--

CAUAYAN CITY– Dinakip ng mga kasapi ng Tumauini Police Station ang isang magsasaka na nagpaputok ng baril sa  Lapogan, Tumauini, Isabela.

Ang  suspek  ay si Leonardo Torres, 39 anyos  at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatanggap umano  ng tawag ang Tumauini Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay sa pagpapaputok ng  suspek sa kanilang  lugar.

Kagad tumugon ang mga pulis at  nadatnan nila ang suspek na nasa pangangalaga na ng mga opisyal ng  barangay.

--Ads--

Nasamsam mula sa suspek  ang isang 9mm na baril na ginamit sa pagpapaputok.

Pansamantalang nasa pangangalaga na ng Tumauini Police Station ang suspek  para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon