
CAUAYAN CITY – Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang ama na umanoy gumahasa sa kanyang stepdaughter na anim na buwan nang buntis.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauyan, inihayag ni PCapt Rufo Figarola, hepe ng Benito Soliven Police Station na ang nagpakamatay ay itinago sa pangalang Cardo, 33 anyos, magsasaka residente ng Benito Soliven, Isabela.
Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na si Cardo ay suspek sa panggagahasa sa kanyang stepdaughter na 14 anyos .
Napansin ng mga kapitbahay na malaki na ang tiyan ng dalagita kaya ipinabatid nila ito sa mga kinauukulan at nagtungo ang isang BHERT sa bahay ni Cardo at nakitang malaki na ang tiyan ng dalagita.
Ang misis ni cardo ay nasa saudi Arabia at inihabilin ang anak sa nanay ni Cardo ngunit sa kanilang bahay pa rin natutulog kasama dalawang kapatid sa ina na 7 at 8 anyos.
Ang dalagita ay kinuha ng kanyang tiyuhin noong October 5, 2021 kaya binalaan umano si Cardo ng kanyang nanay na dadakpin na siya ng mga pulis.
Dahil dito ay nabalisa si Cardo at hindi na lumabas sa kanilang bahay.
Noong gabi ng October 6 ay nagpahiwatig na umano si Cardo sa pagsasabi sa kanyang nanay at mga anak na magpakabait sila at sana mapatawad siya kapag siya ay wala na.