--Ads--

CAUAYAN CITY- Ipinagpatuloy ngayong araw ng mga otoridad ang paghahanap sa katawan ng isang magsasaka na pinaniniwalaang nalunod sa ilog magat na sakop ng barangay Dangan, Reina Mercdes,Isabela

Ayon kay P/Sr. Insp. Bruno Palattao, patuloy ang search and retrieval operation sa katawan ng nalunod na si Roman Cabaltican Sr., 52 anyos at residente ng nasabing lugar.

Hanggang kagabi ay hindi pa rin natatagpuan ang katawan ng biktima.

Huli umanong namataan ang nasabing magsasaka na nakasakay sa kanyang bangka noong lunes.

--Ads--

Mula ng araw na iyon ay hindi na nakauwi si Cabaltican sa kanilang bahay kaya ang mga kamag-anak nito ay nagsagawa ng paghahanap sa kanyang katawan.

Bigong mahanap ang katawan ng biktima kaya nakipag-ugnayan na sila sa himpilan ng pulisya.

Nanawagan si Senior Insp. Bruno Palattao sa mga kalapit na bayan na konektado sa ilog magat na kung may makitang katawan ng lalaki ay ipagbigay alam sa mga kinauukulan.