--Ads--

CAUAYAN CITY – Naglagak ng P/40,000.00 piyansa ang isang magsasaka para pansamantalang makalaya sa San Mateo, Isabela.

Ito ay matapos siyang kasuhan ng homicide dahil sa pagsaksak sa kanyang bayaw na sanhi ng kamatayan nito.

Ang suspek ay si Reynald Dayao habang ang biktima ay ang bayaw na si Edison Blanza , kapwa sila residente ng San Roque, San Mateo, Isabela.

Pinalo ni Blanza si Dayao na gumanti sa pagsaksak sa kanya.

--Ads--

Nagtamo si Blanza ng mga saksak sa kanyang kili-kili, likod at braso at binawian ng buhay sa San Mateo Integrated Hospital.

Agad na isinampa ng San Mateo Police Station ang kasong homide sa pamamagitan ng Inquest Proceedings laban sa suspek ngunit agad din siyang nakapaglagak ng piyansa.