--Ads--

CAUAYAN CITY- Patong-patong na kaso ang isinampa laban sa isang magsasakang umatake sa mga pulis habang siya ay inaawat sa kinasasangkutang kaguluhan sa Brgy. Marabulig Uno, Cauayan City.

Isinailalim sa inquest proceedings si Rod Vincent Andres, 23 anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Marabulig Uno, Cauayan City, Isabela.

Mga kasong alarm and scandal, direct assault, grave threat at paglabag sa omnibus election code ang isinampa laban kay Andres.

Una rito, tumugon ang mga pulis na sina SPO1 Alejandro Cumlat, PO2 Jayson Infante, PO1 Aljin Taguiam at PO1 Jaymar Pamittan sa isang kaguluhan sa Brgy. Marabulig Uno.

--Ads--

Nadatnan nila si Andres na may hawak na kutsilyo ngunit nang pinapahinto siya ni SPO1 Cumlat ay siya ang pinagbalingang saksakin.

Hindi nasaktan ang pulis dahil siya ay may suot na bullet proof.

Dahil dito, binaril ni SP01 Cumlat ang suspek sa kanyang hita at paa na ngayon ay nagpapagaling na sa Cauayan District Hospital.

Pinagbantaan din umano ng suspek si Wilson Andres, 53 anyos, may asawa at residente rin ng Marabulig Uno, Cauayan City.